routine vaccines para sa mga sanggol

Routine vaccines para sa mga sanggol


Ngayong World Immunization Week, ating kilalanin ang mga routine vaccines na dapat matanggap ni baby.


Tulungan natin silang mabuhay ng malusog. Pabakunahan sila para maiwasan ang panganib ng mga sakit. Pag kumpleto sa bakuna, maganda ang future nya!.


Ang mga sumusunod ay ang mga routine vaccines para sa mga sanggol:


1. Hepatitis B Vaccine – nagbibigay proteksyon laban sa Hepatitis B

Schedule: pagkapanganak

Halos 90% ng mga sanggol na nahawaan ng Hepatitis B ay nagkakaroon ng chronic liver infections.


2. Bacille Calmette-Guerin (BCG)

Schedule: pagkapanganak

Nagbibigay proteksyon laban sa TB meningitis at miliary TB.

Isa ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming TB infections.


3. Pentavalent Vaccine – nagbibigay proteksyon laban sa Dipterya, Tetano, Pertussis, Hepatitis, at Pulmonya.

Schedule: 1 1/2 buwan, 2 1/2 buwan, 3 1/2 buwan.

Bakuna ang pinakamabisang proteksyon mula sa sakit at kamatayan. Mahigit 3 milyong kabataan ang naiiligtas nito kada taon!


4. Oral Polio Vaccine (OPV) – nagbibigay proteksyon laban sa polio.

Schedule: 1 1/2 buwan, 2 1/2 buwan, 3 1/2 buwan


5. Inactivated Polio Vaccine (IPV) – nagbibigay proteksyon laban sa polio.

Schedule: 3 1/2 buwan

Noong Setyembre 2019, nagkaroon ng Polio outbreak sa Pilipinas pagkatapos ng halos 19 taon noong idineklara na wala ng polio sa Pilipinas.


6. Pneumococcal Vaccine (PCV) – proteksyon laban sa pulmonya at TB meningitis.

Schedule: 1 1/2 buwan, 2 1/2 buwan, 3 1/2 buwan

Ang TB meningitis ay sakit na umaatake sa spinal cord at utak. Ang pulmonya naman ang nangungunang sanhi ng kamatayan sa mga kabataan sa buong mundo.


7. Measles, Mumps, and Rubella Vaccine (MMR) – proteksyon laban sa Measles, Mumps, at Rubella.

Schedule: 9 buwan, 1 taon

Ang Measles o tigdas ay malubhang sakit na mabilis kumalat at nakakamatay. Walang gamot dito ngunit mayroong bakuna para mapigilan ang pagkakaroon nito, kumpletuhin ang 2 dose ng bakuna laban sa measles.


Pinagmulan: @PIA_RIII ( PIA Gitnang Luzon)


Mungkahing Basahin: