CHR at Fiscal autonomy

Ang bawat Constitutional Commission/Office, o mga ahensyang itinatag ng 1987 Constitution, ay mayroong tinataglay na fiscal autonomy upang masiguro na hindi maapektuhan ng gobyerno ang pag iral ng mga institusyong ito bilang “safeguards” ng ating demokrasya.

Ano ang Fiscal autonomy?

Pinapakahulugan ng Korte Suprema ang fiscal autonomy bilang “kalayaan mula sa panlabas na kontrol.” Ibig sabihin, mas may kalayaan ang isang institusyon na gamitin ang budget nito at ilaan sa paraang  matutugunan nang maayos ang pangangailangan ng buong ahensya.

Posible ba para sa mga NHRIs na maging independent habang nanatiling nakasandal sa pampinansyang kontrol ng gobyerno?

Hindi maaaring paghiwalayin ang pagkakaroon ng fiscal autonomy at pagiging independent ng isang Constitutional office gaya ng CHR. Ang pagbabalewala sa fiscal autonomy ng Komisyon ay sumasalungat sa prinsipyo ng pagiging independent NHRI nito.

Bakit mahalaga para sa Commission on Human Rights (CHR) na magkaroon ng fiscal autonomy?

Mahalaga para sa CHR bilang isang national human rights institution o NHRI ang pagkakaroon ng fiscal autonomy upang mapangalagaan ang pagiging independent na ahensya nito, at masiguro na hindi ito maisasailalim sa kontrol ng gobyerno lalung-lalo na sa usapin ng pagpopondo.
Pinagmulan: @chrgovph