On
Panawagang Bayan


Masinop na paggamit ng produktong petrolyo

Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa mga panahong ito, ipinapanawagan ng Kagawaran  ng Enerhiya sa ating mga mamamayan  ang masinop na paggamit nito.


Ang mga naitalang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ay batay sa mga paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado dulot ng pangyayari sa Iran at Venezuela, maging ang mababang spare capacity  ng mga kasapi ng Organisasyon ng mga Bansang Nagluluwas ng Langis o kilala sa Ingles bilang OPEC.


Ang OPEC ay isang organisasyong pandaigdig na may layuning patatagin ang estado ng pandaigdigang merkado ng langis upang siguraduhing may sapat na supply ng produktong petrolyo ang mga mamimili.


Patuloy pong pinag-aaralan ng pamahalaan ang mga paraan at ayuda upang maibsan ang epekto sa publiko ng mga pagtaas nito.


Pinagmulan: @doe_ph


Mungkahing Basahin: