Magwai Sunscreen
Tag-init na naman!
Kapag ganitong panahon, uso nanaman ang mga get-together sa beach! Sabay nating protektahan ang ating sarili mula sa init ng sikat ng araw, at ang mga coral reef sa ilalim ng karagatan.
Safe ba ang sunscreen mo?
Alam mo ba na may sunscreen na ligtas sa mga yamang tubig?
Ito ang Magwai sunscreen mula sa Magwayen Organics, Inc. Ang Magwai sunscreen ay gawang lokal at hindi nagtataglay ng mga nakasasamang kemikal sa ating mga yamang tubig.
Dahil sa tumataas na turismo tuwing summer season, madalas ang paggamit ng sunscreen bilang proteksyon sa sikat ng araw., Ayon sa pag-aaral, sa dami ng napupunta at nahahalong sunscreen sa karagatan, nagdudulot ito ng chemical pollution na nakaaapekto sa marine ecosystem.
Karamihan sa mga sunscreen na makikita sa merkado ay nagtataglay ng oxybenzone, isa sa mga sangkap na nakasasama sa mga coral reef.
Ang Magwai sunscreen ay “reef-safe” at hindi nagtataglay ng kahit na anong chemical UV filters. Mayroon itong SPF 50 hypoallergenic, hindi nakapagbibigay ng greasy feel, at ligtas gamitin.
Sa kasalukuyan, ang Magwai sunscreen ay mabibili na sa mga merkado. Patuloy pa rin na pinapaganda ang formulation nito na tutugma sa kulay ng ating balat at hindi mag-iiwan ng white casting.
Isa ito sa mga una at rebolusyonaryong produktong pinoy. Kasama ng Magwayen Organics, Inc, ang DOST-PCIEERD sa pagsasapubliko at pagpapaunlad ng proyektong ito.
Ang Magwai sunscreen ay kasama sa Startup Grant Fund Program ng DOST-PCIEERD na nagpo-promote ng mga initiatibo na makakatulong sa Pilipinas.
Sama-sama nating suportahan ito upang mas mapangalagaan pa natin ang ating mga yamang-dagat.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa Startup Grant Fund Program, bisitahin ang DOST-PCIEERD website.
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Magwai Sunscreen "