On
Bakit Hindi Makabubuti ang Pagsuspendi ng Fuel Excise Tax?


Alamin: Bakit nga ba hindi makabubuti ang pagsuspindi ang fuel excise tax?


Sunud-sunod ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan dahil sa Russia-Ukraine Crisis. Upang maibsan ang epekto nito sa mga mamimili, iminungkahi na pansamantalang isuspindi ang fuel excise tax. Ngunit makabubuti nga ba ito sa ekonomiya at sa ordinaryong Pilipino?


Ayon sa datos, ang pinsala ng panukalang ito sa ating ekonomiya ay aabot sa revenue loss na Php 105.9 billion o 0.5% ng ating gross domestic product (GDP) sa taong 2022. (Alamin kung ano nga ba ang GDP at bakit ito mahalaga sa ekonomiya.)


Higit pa rito, ang pinakamalaking benepisyo ng pagsuspindi ng fuel excise tax ay mapupunta sa upper-income bracket o top 10% ng lipunan, kaysa sa mga tunay na nangangailangan.


Sa mga sumusunod na litrato, ipapaliwanag ng Department of Finance kung bakit mas mainam at fiscally responsible ang paghatid ng targeted relief sa vulnerable sectors at patuloy na pagpapatupad ng fuel excise tax upang patuloy na makaahon ang ekonomiya mula sa pandemya.


Isa sa mga epekto ng Russian-Ukraine Crisis ang biglaan at sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo.


Para saan nga ba ang Fuel Excise Tax?


Sa taong 2022, inaasahan na Php 147.1 billion ang makokolektang fuel excise tax at VAT. Ang revenues na ito ay nakapaloob na sa budget ng gobyerno upang mapondohan ang iba’t ibang programa tulad ng Build, Build, Build at sahod ng ating mga guro, sundalo, at kapulisan.


Ano ang magiging epekto ng pagsuspendi ng fuel excise tax sa ating ekonomiya?


Ang pagsuspendi ng fuel excise tax sa ilalim ng TRAIN Law ay mauuwi lamang sa pagtaas ng ating debt-to-GDP ratio na patuloy nating ibinabalik sa pre-pandemic level na 39.6% noong 2019 – ang pinakamahaba sa kasaysayan ng Pilipinas.


Sino naman ang mga pinakamagbe-benefit sa pagtanggal ng fuel excise tax?


Ang top 10% ng populasyon ang pinakamalaking benepisyaryo ng pagsuspendi ng TRAIN fuel excise dahil ang mga ito ang konsyumer ng halos kalahati ng fuels sa bansa.


Ano nga ba ang pinakamabisang solusyon upang maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng petrolyo sa mamamayang Pilipino?


Aprubado na ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng ating economic managers na magbigay ng Unconditional Cash Transfer per month sa bottom 50% households o 12.37 milyong pamilya.


Ito ay idadagdag sa Php 5 billion na fuel subsidy para sa ating public utility vehicle (PUV) drivers – doble ng unang itinakdang halaga na Php 2.5 billion.


Saan naman manggagaling ang pondo para rito?


Manggagaling ang pondo para sa ayuda sa mga apektadong sektor mula sa dagdag na VAT collections dala ng pagtaas ng presyo ng petrolyo. 

Naiintindihan natin na hindi pa ito sapat, ngunit ito muna ang kaya nating gawin sa ngayon upang hindi mapabayaan ang ating financial health, lalo na para sa darating na administrasyon. Ito’y sustainable – kaya natin ito ipagpatuloy at maibigay agad sa ating mga kababayang nangangailangan ng agarang tulong. (Secretary of Finance Carlos G. Dominguez)


Pinagmulan: Department of Finance (@dof_ph)


Mungkahing Basahin: