Paano makakatanggap ng social amelioration package?
On Pamumuhay
Paano makakatanggap ng social amelioration package mula sa DSWD?
- Ang lokal na pamahalaan ay mamamahagi ng Social Amelioration Card (SAC) forms sa kanilang nasasakupan. Gagawin ito sa pamamagitan ng pagbibigay sa bawat kabahayan o “house to house basis.”
- Ang puno ng pamilya ang siyang magsusulat ng kanilang impormasyon na hinihingi sa SAC form. Kinakailangang ibigay ang kumpletong impormasyon na hinihingi sa dokumento.
- Siguraduhin na kumpleto ang impormasyon na inilagay sa form. Isumite ang form sa kinatawan ng lokal na pamahalaan na babalik sa inyong bahay.
- Ipapahatid ng DSWD at ng ibang ahensya ang tulong sa pamamagitan ng lokal na pamahalaan.
Tandaan: Ang SAC form ay isang validation tool lamang na naglalayong makita kung sino ang higit na nangangailangan ng madaliang ayuda.Ang lahat po ay nilalayong makatanggap ng Social Amelioration Program subalit ang pamamahagi nito ay naaayon sa lebel ng pangangailangan. Kung kaya’t ang inyong kooperasyon, pagbibigayan, at pangunawa ay higit na kinakailangan.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa DSWD sa numerong 8951-2803.
Pinagmulan: DSWD
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Paano makakatanggap ng social amelioration package? "