Ayuda sa Kapos ang Kita Program
Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP)
Pabatid sa publiko!
Hindi totoo ang post na kumakalat sa social media patungkol sa online application ng programang Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng DSWD.
SCAM: Na kailangang magpalista online sa pamamagitan ng link upang makasali sa AKAP.
Fact-Check: Walang inilalabas na link ang DSWD para sa online application ng AKAP.
Ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ay nagbibigay ng asistensya sa mga minimum wage earners, “near-poor,” o mga indibidwal na kabilang sa mga low-income earners kung saan hindi sumasapat ang kanilang kita para sa kanilang mga pangunahing pangangailangan.
Ang mga benepisyaryo ng AKAP ay masusing dumadaan sa proseso, kung kaya mariing pinapasinungalingan ng ahensya ang umano’y online application.
Sa dumaraming mga scammer sa social media, maging matalino at huwag magpabiktima.
Huwag basta-bastang maniwala sa mga nakikitang content online, maging sigurista at ugaliing i-verify.
Sama-sama tayong labanan ang maling impormasyon.
Dahil sa DSWD, bawal ang fake news!
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ayuda sa Kapos ang Kita Program "