10 Simpleng Paraan Para Ma-inspire Kang Mag-ipon

  1. Magtabi kaagad ng ipon pagkatanggap ng sweldo. Tsaka mo gastusin ang matitira mula dito.
  2. Mag-bukas ng bank account  o alkansya kung saan mo ilalagay ang naipon mong pera.
  3. Iwasang bumili ng mga bagay na di naman kailangan tulad ng mga luho at kapritso.
  4. Isipin din ang magiging kinabukasan, balansehin ang pagtulong sa mga mahal sa buhay.
  5. Iwasang mangutang kung wala naman importanteng paggagamitan o pagkakagastusan.
  6. Isipin na ang perang iipunin mo ay para din may magamit ka sa panahon ng emergency o sakuna.
  7. Turuan din na maging masinop ang bawat miyembro ng pamilya upang magtagumpay ka.
  8. Laging isa-puso ang ginagawang pag-iipon, huwag kang tatamarin at matatakot. Dapat ay tuloy-tuloy ito.
  9. Hingin ang patnubay ng panginoon. Siya ang tutulong sa’yo na magtagumpay.
  10. Siyempre alam niyo na! Laging sumubaybay sa peso sense para sa tamang gabay.

Pinagmulan: CFO PESO SENSE

Mungkahing Basahin: