sino entitled sa 13th month pay

 

Sino ang entitled sa 13th month pay at paano ito i-compute?


Makakatanggap ng 13th month pay ang regular na employee na nagtatrabaho ng hindi bababa sa isang buwan.


Sa ilalim ng PD 851, obligado ang lahat ng employers na bayaran ang kanilang rank-and-file na empleyado ng 13th month pay bago ang December 24 ng bawat taon.


Para ma-compute ang 13th month pay, kunin ang kabuuan ng lahat ng sahod na natanggap sa loob ng isang taon at i-divide ito by 12.


Halimbawa, kung ang sahod sa isang buwan ay ₱12,000, ₱144,000 ang sahod sa isang taon at ang 13th month pay ay ₱12,000.


Para naman sa mga nagresign o naterminate, maaari pa ring tumanggap ng 13th month pay kasama ng huling sweldong matatanggap basta nakapagtrabaho pa rin ng hindi bababa sa isang buwan sa taon ng pag-alis sa trabaho.


Katumbas ito ng kabuuang sahod na natanggap mula sa employer noong taon ng pag-alis sa trabaho divided by 12. Sa naunang halimbawa, kung umalis ka sa trabaho sa katapusan ng June, ang sahod mo sa huling taon ay ₱72,000 at ang 13th month pay mo ay ₱6,000.


Pinagmulan: attytonyroman (sundan sya sa Instagram)


Mungkahing Basahin: