Tama bang kaltasan ng tax ang pinagsamang 13th month pay at sweldo?
Tama bang kaltasan ng tax ang pinagsamang 13th month pay at sweldo?
Tanong: Kapag sinabay ng employer mo ang 13th month pay at sweldo mo, legal bang makakita ng taxes sa payslip mo para sa total ng dalawa?
Sagot: Normal lang na magkasama ang 13th month pay at compensation salary sa payslip, pero mali kung ginamit na "total" ang 13th month pay at compensation salary para
pagbasehan ang ibabawas na tax.
Compensation salary ang bayad sa serbisyo mo, habang 13th month pay ay karagdagang benepisyong dapat mong matanggap, ayon sa 13th Month Pay Law o Presidential Decree
851.
Para sa pagcompute ng tax, ayon sa Section 9 ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act o TRAIN Law, hindi taxable ang 13th month pay kasama ang ilang benefits, kung hindi ito lalagpas sa Php 90,000.
Samantala, ayon sa Section 5 ng TRAIN Law, kung Php 250,000 pesos below ang compensation salary o sweldo ng employee, 0% o walang tax.
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Tama bang kaltasan ng tax ang pinagsamang 13th month pay at sweldo? "