Runsay
On Pamumuhay
Ano ang runsay?
Sinasabing pinakadramatikong ritwal ng mga Tagbanwa ang runsay. Ginagawa ito minsan santaon, sa gabi, sa ikaapat na araw ng kabilugang buwan kung Disyembre.
Malimit na isagawa ito sa pampang malapit sa bunganga ng Ilog Aborlan. Sinimulan ang ritwal sa takipsilim at nagtatapos sa bukang-liwayway.
Ang runsay ay isang ritwal upang humingi ng proteksiyon laban sa epidemya.
May limang malinaw na yugto ito.
- Unang yugto ang pagtatayô ng bangkaran o banglay, ang tatlong metrong balsang panseremonya.
- Ikalawang yugto ang panawag, ang imbokasyon para sa mga espiritu ng ninuno at siyam na bathala; ang pagsusunog ng insenso sa sisidlan sa ibabaw ng bangkaran; at ang pagsisindi ng kandila at paghahandog ng pagkain sa mga bathala.
- Ikatlong yugto ang ikalawang panawagan sa mga bathala upang tanggapin ang pagkaing alay at hudyat para sa mga batà upang salakayin ang pagkain sa balsa at kainin.
- Ikaapat na yugto ang ikatlong panawagan sa siyam na bathala, mga dagdag na alay, at nagtatapos sa pagtutulak ng balsa sa dagat.
- Ikalimang yugto ang kantahan at awitan hanggang mawala sa pananaw ang balsa.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Runsay "