Tampok sa pagdiriwang ng ika-73 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng bayan ng Aborlan ang parada ng mga litson.

Ayon kay Aborlan Mayor Celsa Adier, ang ‘parada ng litson’ ay paggunita sa sinaunang kuwento kung saan nagmula ang pangalan ng munisipyo ng dahil noong unang panahon nang dumating ang mga Amerikano ay marami pang mga baboy-ramo na makikita dito kung kaya’t pinangalanan nila itong ‘a boards land’ at kalaunan ay umikli na ito sa Aborlan.


Noong Hunyo 28, 1949 naging munisipyo ang Aborlan sa pamamagitan ng EO No. 232.