Ang nilad ay isang halamang palumpong na 3 metro (10 talampakan) ang taas na malimit matagpuan sa mga aplayang mabuhangin o sa mga lugar na maraming bakawan.


Kilala rin ito sa tawag na nila sa Malay o chengam sa Singapore. Ang pangalang siyentipiko ay Scyphiphora hydrophyllacea. Ang mga dahon ay malalapad na may hugis patak at mayroong magkasalungat na ayos ng mga ugat.

 

Balot ng animo barnis ang mga buko at mga murang dahon. Hugis tubo o pahaba ang mga bulaklak ng nilad na may apat na umbok na kulay rosas. Nakakumpol ang mga ito nang makapal o siksikan.

 

Ang mga bunga ay hugis patambilog (elliptic) at may malalim na guhit o tagaytay (ridge) na magiging kayumanggi ang kulay at gumagaan ang timbang kapag hinog na. Ang matingkad na kulay kayumangging puno ng nilad ay maaaring gamitin sa pagbubuo ng maliliit na gamit na yari sa kahoy.

 

Gamot sa sakít ng tiyan ang katas na galing sa dahon nito. Ang mga bulaklak ay maaaring gamitin bilang panlinis at pampaputî ng mga damit.

 

Hango sa salitang nilad ang Maynila, ang kapital na lungsod ng Filipinas.

 

Ayon sa kasaysayan, ang pampang ng Look Maynila ay nababalot ng napakaraming nilad noong unang panahon. Ang lugar ay tinawag na “Maynila” na ang ibig sabihin ay “mayroong nilad.” Ang pangalan ng halaman naman ay galing sa salitang Sanskrit na ang ibig sabihin ay “punò ng indigo.”

 

Ano nga ba ang halamang Nilad?


Ang Nilad ay isang halamang palumpong na 3 metro (10 talampakan) ang taas na malimit matagpuan sa mga aplayang mabuhangin o sa mga lugar na maraming bakawan. Kilala rin ito sa tawag na “nila” sa Malay o “chengam” sa Singapore.


Ang pangalang siyentipiko ay Scyphiphora hydrophyllacea. Ang mga dahon ay malalapad na may hugis patak at mayroong magkasalungat na ayos ng mga ugat.


“Hugis tubo o pahaba ang mga bulaklak ng nilad na may apat na umbok na kulay rosas. Nakakumpol ang mga ito nang makapal o siksikan.


Ang mga bunga ay hugis patambilog (elliptic) at may malalim na guhit o tagaytay (ridge) na magiging kayumanggi ang kulay at gumagaan ang timbang kapag hinog na.


Ang matingkad na kulay kayumangging puno ng Nilad ay maaaring gamitin sa pagbubuo ng maliliit na gamit na yari sa kahoy.


Gamot sa sakit ng tiyan ang katas na galing sa dahon nito. Ang mga bulaklak ay maaaring gamitin bilang panlinis at pampaputi ng mga damit.” – NCCA

 

Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: