Jihad
Ang unang dokumentasyon ng batas hinggil sa jihad ay isinulat nina ‘Abd al-Rahman al-Awza’I at Muhammad ibn al-Hasan al-Shavbani matapos ang kamatayan ni Muhammad.
Nang mamatay si Muhammad noong 632, nakipagdigma ang mga Muslim sa pamumuno ni Umar sa mga imperyo sa Ehipto, Persiya, at iba pang karatig bansa.
Noong 1928, itinatag ni Hassan al-Banna ang Al-ʾiḫwān Al-muslimūn o Kapatiran ng mga Muslim na naglalayong buhayin muli ang isang imperyong Muslim at naglalayong gamitin ang jihad laban sa mga kaaway ng relihiyon. Sa kabilang banda, sa mga bansang Islam gaya ng Lebanon, Kuwait, Jordan, at Morocco, nangangahulugan ang jihad bilang dibinong responsabilidad at pagsamba kay Allah at walang pakahulugang militarista.
Sa kasaysayan ng Filipinas, ilang jihad na ang naitala. Nagkaroon ng rebelyong Moro na binubuo ng mga rebeldeng Muslim sa Mindanao, Sulu, at Palawan laban sa hukbo ng Estados Unidos mula 1899 hanggang 1913.
Nagkaroon ng mga organisasyong Islam sa bansa na nagdeklara ng jihad laban sa pamahalaan ng Filipinas at sa mamamayang Filipino at naglalayong magtatag ng isang malayang Bangsamoro.
Itinatag ni Nur Misuari ang Moro National Liberation Front (MNLF) noong 1969 at mula dito nabuo naman ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) noong 1977 sa pangunguna ni Hashim Salamat. Itinatag naman ni Abdurajik Abubakar Janjalani ang radikal na grupong Abu Sayyaf noong 1991.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
No Comment to " Jihad "