Sa katutubong panitikan ng mga Hiligaynon, tumutukoy ang mga hurubaton (o minsan ay hulubaton) sa mga salawikain o kasabihan. Karaniwang binubuo ang isang hurubaton ng dalawang linya at magkakatugma ang mga dulong tunog ng mga ito.


Sa mga nalikom na kuwentong-bayan ng mga Hiligaynon, madalas na nakapaloob dito ang mga hurubaton bilang linya na nagsasabi o nagpapahiwatig ng aral o saysay ng salaysay.


Noong unang panahon, inaawit o binibigkas ang mga hurubaton upang ipaalala ang mga kaugalian at halagahang kailangang panatilihin o pangalagaan ng taumbayan.


Sa kasalukuyan, tumutukoy na rin ang salitang hurubaton sa lahat ng sawikain o kasabihan sa Hiligaynon, katutubo man o makabago.


Mga halimbawa ng hurubaton ang sumusunod:

Ang tao nga wala sing pilak,


Daw pispis nga wala sing pakpak.


(Ang taong walang salapi


Ay parang ibong walang pakpak.)


Ang tao nga malikaya,


Sa katilingban gina-amuma.


(Ang taong mabuti


Ay tinatanggap ng lahat.)


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: