On
Ang hibi o hibe ay maliit na hipong tinuyo matapos maasnan at maluto.


Karaniwan itong inihahalo sa lugaw o ibang lutuin at inirerekomenda ng ilan bilang pamalit na pampaalat kaysa karaniwang pampalasa na masyadong maraming asin.


Sinasabing isa ang híbi sa mga impluwensiyang Tsino sa pagkaing Filipino. Gayunman, sinasabi ring nagmula sa salitang Hapon na ebi ang híbi.


Karaniwan ding inilalahok sa paggigisa, o kahit sa pagluluto ng sopas. Isa sa mga paboritong lutuin na gumagamit ng híbi ang ginisang upo, o ginisang munggo (monggo) na may miswa.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: