Ang dita (Alstonia scholaris) ay isang uri ng punongkahoy na laging-lungti.

Tinatawag din itong Blackboard tree, Devil tree, Milkwood pine, White cheesewood at Pulai. Tuwid kung tumubo ang puno ng dita na umaabot ng hanggang 40 talampakan. Kadalasang matatagpuan ang punongkahoy na ito sa mga tropikong bansa mula Aprika hangang Timog-Silangan Asia at Polynesia.


Ang makapal na dahon nito ay makinis ang ibabaw habang mapusyaw na putî naman ang ilalim. Ang hugis nito ay pahaba na may patulis na dulo katulad sa dahon ng mangga. Paikot na tumutubo ang mga dahon nitó sa maliliit na sanga.


Tuwing Oktubre, mga mala-lungtiang-putiîg bulaklak ang namumukadkad sa puno ng dita. Paikot at kumpol-kumpol ang maliliit at mabangong bulaklak nitó.


Malambot ang kahoy ng dita kaya kadalasang ginagawang mga taguang kahon o baul o kaya naman ay pisara. Tinawag itong scholarlis dahil kadalasang mga gamit sa silid-aralan ang nagagawang kasangkapan mula sa kahoy ng dita.


Mapait ang mala-gatas na pulut na nakukuha mula sa kahoy nitó. Halos walang amoy ang kahoy ngunit mapait din. Ginagamit din ang ibang parte ng kahoy na panggamot ng iba’t ibang sakit katulad ng malarya, sakit sa tiyan, sakit sa balát, at hika.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: