Ang damahuwana, mula sa Espanyol na dama juana, ay isang malaking sisidlan ng likido.


Sa Espanya, maaari itong yari sa bote o losa; ngunit sa Pilipinas higit itong kilala bilang malaking sisidlang bote.


Mataba at pabilog ang katawan nito at maikli ang leeg. Kng minsan, may tila tainga itong mga hawakan sa balikat. Dahil mahirap dalhin kung walang hawakan at puno ng likido, ang espesyal o pribadong damahuwana ay malimit na binabalot ng nilalang bule o yantok na may tatangnan.


May kuwento sa Espanya na mula ang pangalan ng malaking bote sa Pranses na dame Jeanne at tumutukoy kay Juana I ng Naples na nagnais magpagawa sa pabrikante ng bote ng isang sisidlang malaki at naiiba. Iginawa siya ng boteng puwedeng magkarga ng sampung litrong alak at ito ang tinawag ngayong damahuwana.


Sang-ayon na rin sa naturang kuwento, ginagamit ito noong imbakan ng alak. Higit na gamit ito ngayong imbakan ng suka sa Filipinas. O kaya pandekorasyon sa tahanan upang magtila bahay-na-bato noong panahon ng Espanyol.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr