Sino ang nagtatag ng Masjid Sheik Karimul Makhdum?


Ang Masjíd Sheik Karímul Mákhdum ang unang masjid na itinayo sa Pilipinas. Itinatag ito ni Makhdum Karim, isang Arabeng mangangalakal, noong 1380 sa Tubig Indangan, Simunul, Tawi-Tawi.


Mayroong nagsasabing si Makhdum (Karim ul-Makhdum) ang unang misyonerong Muslim sa kapuluan ng Sulu, at may nagsasabi namang may mga Muslim na sa mga pulo nang dumating siya. Ngunit tiyak na malaki ang kaniyang naitulong sa pagpapalaganap ng paniniwalang Islam sa bansa.


Matatagpuan ang orihinal na masjid sa loob ng bagong gusali.


Ang mga orihinal na haligi ay yari sa ipil at pinangangalagaan hanggang sa kasalukuyan.


Noong 2009, ipinahayag ang masjid na Pambansang Palatandaang Makasaysayan (National Historical Landmark), bilang pagkilála sa malaking naiambag ng relihiyong Islam sa pagsulong ng kultura at sibilisasyon sa bansa.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: