Dekana ng mga babaeng hukom
Naging lisensiyado siya sa hurisprudensiya noong 1913 at pumasa sa bar sa sumunod na taon, isa sa unang abogadong babae.
Limang taon siya sa pribadong pag-aabogado bago pumasok sa gobyerno noong 1919 nang hirangin siyang special attorney sa Bureau of Justice. Naharap siya sa mahigpit na pakikipagkumpetensiya laban sa mga lalaki.
Gayunman, noong 1922, naging assistant attorney siya sa opisina ni Leonard Wood at patuloy na tinangkilik ng mga sumunod na attorney general hanggang maging assistant attorney general.
Noong 1931, hinirang siyang acting judge sa hukuman ng Maynila ni Justice Secretary Jose Abad Santos. Naging permanenteng hukom siya noong 1936 at naglingkod hanggang 1951.
Samantala, noong 1937 at 1938 natamo niya ang masterado sa batas at ang doktorado sa batas sibil mula sa Unibersidad ng Santo Tomas.
Noong 1952, nahirang siyang executive judge ng Manila Municipal Courts. Noong 1956, nahirang siyang presiding judge ng Juvenile and Domestic Relations Court, ang unang babaeng humawak ng posisyong ito sa Filipinas, at maging sa buong Asia. Noong 1961, nadagdagan ang kaniyang rekord nang mahirang siyang unang babaeng associate justice sa Court of Appeals.
Hindi niya nalimot ang gawaing sibiko sa kabila ng mabigat na tungkulin sa hukuman. Naglingkod siya sa mga samahang nagsusulong sa mga karapatan ng kababaihan.
Isang samahan, ang La Proteccion de la Infancia, ang pinaglingkuran niya bílang pangulo sa loob ng dalawang dekada. Isa sa mga proyekto niya dito ang Manila Children’s Lying-In Hospital.
Kasal siya kay Domingo Lopez, dating gobernador ng Tayabas (binubuo ng Quezon at Marinduque noon).
Tumanggap siya ng mga mataas na gawad, kasama ang presidential award of merit, bago namatay noong 23 Enero 1977.
Pinagmulan: NCCA official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Dekana ng mga babaeng hukom "