Comelec
Kasáma ang Komisyon sa Awdit at Komisyon sa Serbisyo Sibil, isa ito sa tatlong komisyong konstitusyonal ng Filipinas. Ayon sa Saligang Batas ng bansa, ang Comelec ay malaya mula sa mga sangay Ehekutibo, Legislatibo, at Hudikatura ng pamahalaan.
Bago nagkaroon ng Comelec, ang Kalihim Panloob (Secretary of the Interior) ng bansa ang nangangasiwa sa mga halalan. Ngunit dahil na rin sa malapit na ugnayan ng kalihim at Pangulo ng Filipinas, isang bagay na maaaring makapagpabago sa halalan, nirepaso ang Saligang Batas noong 1940 upang gumawa ng malayang komisyon na hahawak sa tungkuling pamahalaan ang eleksiyon ng mga opisyal ng Filipinas. Sina Pedro Concepcion (tagapangulo), Jose C. Abreu, at Rufino Luna ang mga nagsilbing unang komisyoner.
Dahil ang mga halalan at kampanya, lalo sa pambansang antas, ay maituturing ang mga ito na matatagal na pista na sumisigid sa mga lansangan, pahayagan, radyo, at TV. Malimit laman ng mga balita ang mga isyu at kontrobersiya sa Comelec. Kahit maliit ang ahensiyang ito kung ihahambing sa mga kagawaran ng pamahalaan, masasabing bihira ang mamamayan ng isang lungsod na hindi nakababatid sa pangalan nito sa halaga nitó sa pambansang politika.
Sa kasalukuyan, matatagpuan ang punong tanggapan ng Comelec sa Palacio del Gobernador sa Intramuros, Maynila.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
No Comment to " Comelec "