Ayuntamyento
Sa balangkas ng organisayon ng ayuntamyento, pinamumunuan ito ng dalawang alkaldeng napapailalim sa awtoridad ng gobernador-heneral o alkalde mayor ng probinsiya.
Kasama ng alkalde ang labindalawang konsehal at mga opisyal na gaya ng alguwasil o hepe ng pulisya at eskribano na tagahawak ng mga talaan.
Matapos ang ika-17 siglo, nakapagtatag ang mga Espanyol ng anim na lungsod sa Luzon at Kabisayaan: Maynila, Cebu, Vigan, Nueva Segovia (Lal-lo, Cagayan), Arevalo (Iloilo), at Nueva Caceres (Naga).
Hanggang sa kasalukuyan ay tumatayong sentro ang mga ito ng kultura, politika, kalakalan, at relihiyon sa kani-kanilang rehiyon.
Ang ayuntamyento ay tumutukoy rin sa casas consistoriales, isang gusali na matatagpuan sa Aduana, Intramuros sa Maynila. Itinatag ang nasabing estruktura noong 1738, at matapos masira ng isang lindol ay muling itinayo noong 1879. Ginamit na gusali ito ng Asamblea ng Filipinas noong panahon ng mga Amerikano.
Ayuntamiento
Dating tanggapan ng gobernador ng lalawigan at pamahalaang lungsod ng Maynila. Unang ipinatayo, 1735-1738. Nasira ng lindol, 1863. Muling ipinatayo, 1879-1884. Dito nilagdaan ang pagsuko ng pamahalaang Espanyol sa Hukbong Amerikano, 13 Agosto 1898. naging punong himpilan ng hukbo at pamahalaang militar ng Amerika, 23 Agosto 1898; U.S. Philippine Commission, Hulyo 1900; at pamahalaang sibil, 1 Hulyo 1901. Sa Salon de Marmol nito binuksan ang asembleya ng Pilipinas, 16 Oktubre 1907, at isinagawa ang mga luksang parangal kina Teodora Alonso, Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, Emilio Jacinto, at Apolinario Mabini. Binili ng pamahalaang Komonwelt, 1936. Naging Bulwagan ng Korte Suprema, 1938-1945. Nawasak noong ikalawang digmaang pandaigdig, Pebrero 1945. Isinalin ang pamamahala sa mga guho nito sa Bangko Sentral ng Pilipinas, 16 Hunyo 1956. Muling itinayo batay sa orihinal nitong anyo, 2010-2012. Ngayo’y tanggapan ng Kawanihan ng Ingat-Yaman.
Pinagmulan: NCCA official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ayuntamyento "