On
Ang awideng o awedeng ay isang instrumentong pangmusika ng mga Bontok na yari sa metal.


Kabilang ito sa pamilya ng mga jew’s harp o kubing (ang pangkalahatang tawag sa Filipinas sa mga ganitong instrumento).


Ang awideng ay katulad din ng abilao, abil-law o abellao ng mga Bontok ngunit gawa ang mga huling nabanggit sa kawayan.


Upang makalikha ng tunog, inilalagay ang awideng sa pagitan ng mga labi o ngipin ng tumutugtog. Ang pagkalabit ng kaniyang daliri (na madalas ay ang hinlalaki), ang paggalaw, panginginig, at posisyon ng kaniyang dila, at ang espasyo sa bunganga ang nagbibigay ng iba’t ibang tunog sa awideng.


Madalas ginagamit ang awideng, kasama ng iba pang instrumento, tulad ng abilao, gangsa, at kullitong, sa pagbibigay ng aliw o kasiyahan kapag nagtatrabaho ang mga Bontok o kaya ay sa panliligaw.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: