Ang asotea, o azotea sa Espanyol, ay isang balkonahe sa likod o gilid ng bahay-na-bato na karaniwang yari sa bato o kongkreto.


Maaaring malapad o maliit ito depende sa lapad din ng bahay. Ginagamit itong pahingahan habang nakatunghay sa malaking bakuran. Binabakuran din ito ng bato o kongkreto at nilalagyan ng mga palamuti tulad ng mga ornamental na halaman.


Karaniwang kailangan munang pumapasok sa loob ng ikalawang palapag ng bahay upang marating ang asotea. Ngunit may mga bahay-nabato na may hiwalay na hagdan patungo sa asotea. May mga asotea na may butas para sa pagsalok sa balon sa ibaba at katabi ng kusina at labahan.


Maraming silbi ang asotea. Bukod sa pahingahan, ginagamit itong pook kainan lalo’t mainit ang panahon. Ginagamit din ito sa maliliit na pulong.


Isang magandang tagpo sa Noli me tangere ang kabanatang “Suyuan sa Asotea.”


Sa nobela, sa asotea nag-usap sina Ibarra at Maria Clara upang magkasarilinan at hindi marinig ng iba ang kanilang pag-uusap. Kadarating ni Ibarra mula sa matagal na pag-aaral sa Europa at halata ang pananabik ng magkasintahan sa isa’t isa. Sa nabanggit ding asotea naganap ang hulĂ­ng pag-uusap ng dalawa sa nobela dahil papatakas si Ibarra pagkatapos mabilanggo.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: