Sino si Julian Felipe?
Ilan sa mga unang komposisyon ni Felipe ay ang
- Mateti el Santisimo,
- Cintas y Flores Rigodones,
- Amorita Danza, at
- Reina de Cavite.
Nagwagi siya sa Exposicion Regional na ginanap sa Maynila noong 1895, at inanyayahang maging kasapi ng Sociedad Musical de Santa Cecilia.
Sa pagsiklab ng Himagsikang 1896, sumanib siya sa kilusan at nadakip ng mga Espanyol. Pagkalaya, kinuha siya ni Heneral Emilio Aguinaldo bilang piyanista at kompositor ng kilusan.
Nang ihayag ang Kalayaan ng Pilipinas noong 12 Hunyo 1898 sa balkohahe ng bahay ni Heneral Aguinaldo sa Kawit, Cavite, iwinagayway ang watawat ng bansa kasabay ng pagtugtog ng martsang kinatha ni Felipe.
Hinirang siyang direktor ng Pambansang Banda ng Unang Republika ng Filipinas. Nanilbihan siyang konsehal ng Lungsod Cavite noong 1902.
Isinilang siya noong 28 Enero 1861 sa bayan ng Cavite kina Justo Felipe at Victoria Reyes.
Nag-aral siya sa pampublikong mababang paaralan sa Cavite at Binondo, Maynila. Maaga siyang natutong tumugtog ng piyano at organo.
Nagkaroon siya ng limang anak sa asawang si Irene Tapia at pumanaw noong 2 Oktubre 1944.
Binawian ng buhay sa edad na 83 ang Pilipinong kompositor at guro sa musika na si Julian Felipe sa araw na ito noong 1944 sa Sampaloc, Maynila. Siya ang kompositor na naglapat ng musika para sa ating Pambansang Awit.
Isinilang si Julian Felipe sa lungsod ng Cavite, Cavite noong ika-28 ng Enero, 1861 at anak nina Justo Felipe at Victoria Reyes. Bata pa lamang ay nakitaan na si Julian Felipe ng hilig sa musika at naging organista pa sa isang simbahan sa Cavite. Nang lumaki na ay nagsimula na din siyang gumawa ng sariling musika na para sa kanilang simbahan, at humakot din siya ng maraming parangal bilang pagkilala sa kanyang galing sa pagtugtog at paggawa ng musika.
Nang sumiklab ang himagsikang Pilipino noong 1896, sumapi siya sa rebolusyon sa panig ni Heneral Emilio Aguinaldo, kung saan kumatha siya ng mga rebolusyonaryong awitin upang magbigay-inspirasyon sa mga lumalabang rebolusyonaryo. Kasama siya sa mga nadakip ng mga otoridad, at muntikan nang mapasama sa 13 Martir ng Cavite, dahil nahatulan lamang siyang makulong sa Fort Santiago. Nang mapalaya noong Hunyo 1897 ay muli siyang sumama kay Aguinaldo at itinuloy ang paggawa ng mga komposisyong magbibigay ng inspirasyon sa mga rebolusyonaryo na lumaban para sa kalayaan.
Hinirang siya ni Heneral Aguinaldo na gumawa ng musika para sa magiging pambansang martsa na ihahanda para sa proklamasyon ng kalayaan ng Pilipinas. Bagama’t minadali ang komposisyon ay agad nagustuhan ni Aguinaldo ang melodiya nito, na inspirasyon mula sa melodiya ng mga pambansang awit sa Europa, partikular na sa France. Pinatugtog ng bandang San Francisco de Malabon ang komposisyon ni Felipe, ang Marcha Nacional Filipina, sa unang pagkakataon, kasabay ng pagwagayway ni Emilio Aguinaldo ng bandila ng ating bansa sa isang magarbong seremonya sa kanyang bahay sa Kawit, Cavite noong ika-12 ng Hunyo, 1898. Siya ang itinalagang direktor ng Banda Nacional na opisyal na bandang musiko ng Unang Republika ng Pilipinas. Nalapatan din ng mga salita ang kanyang komposisyon, mula sa kathang tula ni Jose Palma.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Sino si Julian Felipe? "