Sino si Gaddanan?
On Pamumuhay
Si Gaddanan umano ang mandirigmang pinuno ng tribung Gaddang na nagtanggol sa kaniyang nasasakupan at siyang pinagmulan ng pangalan ng bayang Angadanan bilang pagkilala sa kaniyang kabayanihan.
Ang Gaddang ay pangkating etniko na matatagpuan sa pusod ng Cagayan Valley at Silangang bahagi ng Cordillera.
Sa sinaunang panahon, umakyat umano ang tribung Gaddang sa mga bulubundukin sa hilaga sa pamamagitan ng pamamaybay sa bunganga ng Ilog Cagayan.
Marunong na umano sila ng pagkakaingin, subalit ang engkuwentro nila sa mga Ifugaw ang nagturo sa kanila ng pagtatanim sa mga payaw.
May barangay rin sa bayan ng San Mateo sa lalawigan ng Isabela na matatagpuan din sa Cagayan Valley.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Sino si Gaddanan? "