On
Itinatag noong 1890 ang La Fabrica de Cerveza de San Miguel, ang kauna-unahang pagawaan ng serbesa sa buong Timog-silangang Asia.


Sa loob ng ilang dekada, naging paborito ang San Miguel Beer ng mga manginginom ng serbesa sa buong Pilipinas. Noong 1914, ang San Miguel Beer ay ipinagbibili na sa Shanghai, Hong Kong, at Guam. Noong 1948, may pabrika na ang San Miguel sa Hong Kong.


Inumpisahan ng negosyanteng si Don Enrique de Ycaza ang La Fabrica de Cerveza de San Miguel sa pamamagitan ng isang gawad ng Hari ng Espanya sa loob ng 20 taon.


Binuksan niya ang pabrika noong 29 Setyembre 1890 sa 6 Calzada de MalacaƱang (Aviles ngayon) at nasa distrito ng San Miguel, Maynila. Ipinangalan sa distrito ang pabrika. May dalawang seksiyon ito: isa para sa produksiyon ng sorbetes, at isa para sa paggawa ng serbesa.


Ngayon, ang San Miguel Beer ang tampok na produkto ng kompanya at isa sa 10 pangunahing serbesa sa buong mundo. Mula sa orihinal na de-bote, ang San Miguel Beer ay ipinagbibili ring de-lata at may iba’t ibang uri at lasa.


Samantala, ang San Miguel Corporation ay pumasok na sa ibang negosyo, kabilang na ang nakaempakeng pagkain, at isa sa pinakamalaking 10 kompanya sa Filipinas.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: