Salubong
Nagsisimula ito sa dalawang magkahiwalay na prusisyon ng imahen ni Kristo na susundan ng kalalakihan at ng imahen ng Birhen na susundan ng kababaihan. Nagtatagpo ang dalawang prusisyon at dalawang karosa sa patyo o harap ng simbahan.
Sa ritwal ng salubong, ang imahen ng Birhen ay karaniwang nakalagay sa ilalim ng isang arko at may talukbong na itim na belo.
Isang batang nakabihis anghel ang unti-unting ibinababa ng lubid o tali mula sa isang mataas na lugar upang tanggalin ang belo ng Birhen.
Ang yugto ng pag-alis sa belo ay tinatawag ding dagit. Sinusundan ito ng masigabong tugtog ng kampana at itutuloy ang prusisyon ng mga imahen ni Kristo at ng Birhen papunta sa loob ng simbahan upang pagmisahan.
Pinagmulan: NCCA official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Salubong "