Sakada
Mula ito sa Espanyol na sacar na “kunin” o “tanggalin” ang ibig sabihin. Tinataya noon na may 25,000 sakada sa Negros Occidental at karamihan sa kanila’y mula sa mga kalapit lalawigan ng Antique, Negros Oriental, Cebu, Capiz, at Iloilo.
Dahil sa malubhang kahirapan, dumadayo sila sa mga pataniman ng tubo at nagtitiis sa napakaliit na bayad samantalang mistulang alipin sa pagtatrabaho at busabos na tirahan. Malimit pang binibiktima sila ng mga kontratista na bumabawas sa napakaliit na nilang kíta at isinusuba sila sa mabigat na obligasyon.
Isang pelikula ang ginawa noong dekada 70 kaugnay ng mga pagbubunyag sa masaklap na kapalaran ng mga sakada. Naging paksa din at imahen ang sakada sa mga pintura, lalo na ng mga pintor na taga-Negros.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Sakada "