Gitgit
On Aliwan
Ang gitgit ay isang instrumentong pangmusika ng mga Mangyan.
May tatlo itong kuwerdas at tinutugtog na parang biyolin. Ang katawan ng gitgit ay gawa sa isang uri ng kahoy habang ng mga kuwerdas ay karaniwang gawa sa buhok ng tao.
Ang gitgit at iba pang instrumentong de-kuwerdas tulad ng gitara, kutyapi, at kudlung ay karaniwang tinutugtog lamang na kalalakihan.
Maraming gamit ang gitgit. Kabilang na rito ang pansaliw sa pag-awit ng mga ambahan. Tinutugtog din ang gitgit, kasama ng gitara, upang ipabatid sa mga nililigawan na dumating na ang manliligaw kasama ng kaniyang mga lalaking kaibigan. Ang instrumento ding ito ang karaniwang ginagamit na pansaliw sa kanta ng panliligaw.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Gitgit "