Kalutang
On Pamumuhay
Ang kalutang ay dalawang patpat ng kahoy na ipinapalo sa isa’t isa upang makalikha ng iba’t ibang tunog.
Ginagamit ito ng mga Tagalog sa Marinduque at Hanunuo at Batangan Mangyan sa Mindoro.
Maaring yarì ito sa mga kahoy tulad ng kamagong, bayug, danglug, at tan-ag. Karaniwang may haba itong 35 sm at diyametro na apat na sentimetro.
Ginagamit ito ng mga Hanunuo sa isang pangkatang pagtugtog habang umaakyat ng bundok o sa pagtawag sa mga tao para sa pagpupulong, pagsalubong, at iba pa.
Ginagamit naman ito sa Marinduque tuwing semana santa sa pagdiriwang ng Moriones.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Kalutang "