Kalyos
On Pagkain
Ang kalyos (mula sa Espanyol na callos) ay putaheng Filipino na nilahukan ng lamanloob ng baka at baboy, at minsan, tupa.
Tinatawag din itong “stewed tripe” o “spicy tripe casserole” sa Ingles. Hindi ito nawawala sa mga handaan at pista. Tulad ng mababanaagan sa pangalan nito, ang mga Espanyol ang nagpakilala ng kalyos sa Pilipinas.
Ilang dantaon na itong iniluluto sa mga taberna at tahanan sa Espanya, at isa sa mga paboritong putahe sa panahon ng taglamig.
Bukod sa lamanloob, maaari ding lahukan ng paa at buntot ng baka ang kalyos. Karaniwan din itong sinasahugan ng garbansos, tsoriso de bilbao, kamatis, bawang, sibuyas, at oliba.
Isang tingin lámang sa matingkad na kulay kahel na sabaw ng putaheng ito, matatakam na ang kakain.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Kalyos "