Buntot-Page
Isang pangunahin itong sandata noon laban sa mga masamang espiritu. May paniwalang napakabisa nitong ihagupit laban sa aswang at ibang sobrenatural na nilalang.
Kailangang idispley ang buntot-page sa bahay at palagiang inihahampas-hampas sa mga pintuan, tarangkahan, bintana, at iba pang maaaring pagdaanan ng mga masamang nilalang pagsapit ng dilim upang kung marinig ito ay matakot lumapit sa tahanan ng may-ari. Dinadala din ito sa paglalakbay kung gabi para sa naturang layunin.
Hinuhuli sa gayon ang mga page hindi lamang dahil sa malinamnam na karne kundi upang gawing latigo ang mga buntot. Ibinibilad at pinatutuyong mabuti ang buntot.
Sinasabing napakalalim sumugat ang hagupit ng buntot-page at mahirap gumaling. Naging simbolo din ito ng kalupitan ng mga abusadong asendero’t guwardiya sibil na panahon ng kolonyalismong Espanyol dahil ginagamit ipanghagupit sa mga nagkasalang magsasaka.
Karaniwang inilalako ang mga buntot-page kasama ng mga anting-anting, gayuma at iba pang katulad. Sa Metro Manila, maaaring makabibili ng mga buntot-page sa Quiapo.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Buntot-Page "