Basulto
On Aliwan
Ang basulto ay isang mapang-uyam na awit ng pag-ibig at may kalapat na sayaw. Nagmula ito sa Victoria, Tarlac at may impluwensiyang Kapampangan.
Ang awit at ang sayaw ay ginaganap nang salĂtan. Isang bahagi ng awit ang kinakanta at saka isinasayaw ang ibig sabihin. Muling kakantahin ang kasunod na bahagi at isasayaw muli ito. Gayon ang salitan hanggang matapos ang pagtatanghal.
Nakasuot ng balintawak ang mga kababaeng kalahok at nakabarong tagalog na may puting pantalon ang mga lalaki. May mga kantang pambata na isinulat para sa himig ng basulto.
Isang halimbawa ang “Ako ay May Lobo” hinggil sa isang musmos na bumili ng balloon, na biglang pumutok, at kaya naihibik ng musmos na ibinili na lamang sana niya ng pagkain ang kaniyang pera.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Basulto "