Basnig
Ang mga mangingisda ay humahawak ng mahahabang piraso ng kawayan at bawat isang piraso ay may nakakabit na malaking lambat na inilaladlad at hinahatak sa pamamagitan ng kable at kalo.
Ang mga instrumentong ito ay ipinoposisyon sa magkabilang gilid ng sasakyan, dalawa sa unahan, dalawa sa gitna, at dalawa sa hulihan. Bawat sakay ng basníg ay may tawag at tungkulin.
Ang kapitan ay tinatawag na “piloto.” Kung minsan, may pangalawang piloto. Ang nagpapaandar ng motor ay “makinista.” Ang may hawak ng timon ay “timonel.” Kung minsan, may “kusinero” para umasikaso sa pagkain. At ang mga humahawak ng kawayang may lambat ay “taong-lambat.”
Kapag naramdamang may mga isda nang natipon sa ilalim ng sasakyan, pinapatay ang malaking ilaw, maliban sa dalawang maliit sa unahan at hulihan upang hindi umalis ang mga isda.
Ang piloto ang tumatantiya kung gaano kalalim ang kinaroroonan ng mga isda. Siya din ang naghuhudyat sa karampatang lalim ng paglaladlad ng mga lambat.
Kapag nakaumang na ang mga lambat, isa-isang bubuhayin ng makinista ang mga ilaw. Saka muling papatayin alinsunod sa ginamit na paraan ng pagbuhay. Ulit-ulit ginagawa ito hanggang matiyak na pumasok na ang mga isda sa mga lambat. Sa hudyat ng piloto, sabay-sabay na biglang hihilahin ng mga taong-lambat ang kanilang bitag.
Magdamagan ang ganitong pangingisda at madalîng-araw nang bumabalik sa daungan ang mga nambabasnig.
Pinagmulan: NCCA official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Basnig "