Baroto
On Paglalakbay
Ang baroto ay isang bangkang makitid na gawa mula sa isang piraso ng kahoy at karaniwang ginagamit sa pangingisda at sa simpleng paglalayag papunta sa kabilang pulo.
Tinatawag din itong baruto, bawutot, baloto, at bilog at ginagamit ng mga Tagalog, Sebwano, Bikolano, Hiligaynon, at Maranaw bago pa dumating ang mga Espanyol sa Filipinas.
Iba-iba ang kapasidad ng isang baroto, depende sa pagkakagawa nito. Mayroong pang-isahan o pandalawahan at mayroon ding pangmaramihan.
Maaaring walang katig ang isang baroto ngunit mahalagang may kawayan o kahoy na babalanse sa katawan upang hindi ito bumaligtad. Dahil naman sa pagiging makitid ng katawan nitó kaya madalî itong nakakausad laban sa agos ng tubig.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Baroto "