Ilog Pansipit
Matatagpuan ito sa lalawigan ng Batangas sa timog Luzon. May haba itong 9 km. Mula sa makitid nitong bukana sa Lawang Taal, dumadaloy ito pakanluran at dumadaan sa mga bayan ng Agoncillo, Lemery, San Nicolas, at Taal bago bumuhos sa Look Balayan. Ang ilog din ang nagsisilbing hanggahan ng mga bayang ito.
Matatagpuan sa ilog ang isdang maliputo (Caranx ignobilis).
Sa nakaraan, dose-dosenang uri ng isda ang lumalangoy sa ilog, kabilang na ang isang uri ng pating (bull shark, o Carcharhinus leucas).
Nitong mga hulĂng taon, naging suliranin ang pagdami ng mga palaisdaan, na siyang sumasagwil sa pagdaan ng mga isdang lumalangoy mula lawa papuntang dagat at pabalik. Ipinahayag ang ilog bilang isang protektadong pook noong 1996, at pinaigting ang mga hakbang upang tanggalin ang mga mapanirang palaisdaan.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ilog Pansipit "