Ikat
Ikat
Indones (“gapusin”)
Isang paraan ng pagtitinda ng mga hibla bago sila ihabi. May mga bahagi ng hibla na nakatali para magkaroon ng mga disenyo.
Ang ikat ay isang tradisyon ng madaming kultura sa Asya at sa Pilipinas, at may kanya kanyang istilo at proseso ng paggawa nito.
Sa kasalukuyan, laganap ito sa mga etnikong grupo mula Cordillera hanggang sa Mindanao.
Kalimitang abaka (Musa textilis Nee) ang hiblang ginagamit sa paghahabi ng íkat sa Mindanao. Yari naman sa punong bahi (Sebwano) o básag (Bagobo at Bilaan) at kawayan ang habihan na kalimitan ay nása anyo ng tension back-strap loom.
Sa ganitong uri ng habihan, nakasalalay sa lakas at husay ng manghahabi na kontrolin ang sikip at luwag ng mga hibla ayon sa puwersang kaniyang inilalagay sa kaniyang baywang papunta sa kaniyang likuran upang makabuo ng mga disenyo.
Tanggungon ang abaka na karaniwang ginagamit sa paghahabi dahil sa haba, tibay, at kulay na nagpapadalî sa paghahanda nito. Nagsisimula ang proseso ng pagtitina sa mano-manong paghihimay ng hibla gamit ang matalim na talim na may mga pangil, gaya ng sa lagari. Matapos ito, kailangang mano-manong dikdikin sa loob ng isa hanggang dalawang araw ang mga hibla upang hindi ito matuyo. Inihihiwalay ang pinalambot na mga hibla ayon sa kapal nito. Pinipilì rin ang pinakapinong mga hibla dahil ito ang kailangan sa pagbuo ng detalyadong disenyo na kailangang tinain at kulayan ng itim o pulá bago pa ang paghahabi.
Sa kasalukuyan, ang íkat ng Bantoon, Romblon, 14 dantaon, na nakita sa mga labí sa isang kuweba sa isla ang kinikilálang pinakamatandang telang matatagpuan sa Timog Silangang Asia at ngayo’y nása pangangalaga ng Pambansang Museo.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ikat "