Nababawi ba ang tulog?
Nababawi ba ang tulog?
Kung kailangan mo ng 7 oras na tulog pero 3 oras lang ang tulog mo ngayon, mababawi mo ba yun pag 11 oras ka naman matutulog bukas? Hindi.
Ayon sa research nina Kitamura noong 2016, kung kulang ka ng 1 oras na tulog, kailangan mo ng 4 na araw para mag-recover. So, kung 7 oras ang kailangan mo, pero 3 oras lang tulog mo ngayon, ibig sabihin kulang ka ng 4 oras. So, para mabawi mo ang 4 hours, kailangan mo ng 16 araw ng buong pagtulog para mabawi yun.
Importanting mag-takda ng mahigpit at pare-pareho ang iskedyul sa pagtulog para hindi masira ang body-clock o circadian rhythm natin. Kahit anong oras ka pa matulog, 10pm man yan o 1am, ang mahalaga ay strikto ka sa pagsunod ng oras ng pagtulog mo, wag pabago-bago.
Kailangan maayos ang circadian rhythm natin para hindi nalilito ang katawan natin kung kailan ba dapat magpakawala ng hormones. Kung paiba-iba tayo ng iskedyul ng pagtulog, maaaring magkaroon tayo ng hormonal imbalance na nakakaapekto sa immune system natin.
Kung madalas ay kinakailangan mong isakripisyo ang tulog mo at hindi mo na kayang maging productive, its time to re-evaluate if you are still in the right place. May mga iba na kaya maging efficient kahit kulang ang tulog, at kung ikaw hindi mo kaya, thats ok, it doesn't mean you are weak, it just means na hindi ka compatible with your environment.
Pinamgmulan: @kilimanguru
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Nababawi ba ang tulog? "