Paano maiiwasan ang paputol-putol na tulog?

1. Wag uminom ng matatapang na kape 6 oras bago ka matulog, o kahit na anong inumin na mataas ang nilalamang caffeine, ang caffeine ay nagtatagal sa katawan ng 5 hanggang 6 na oras, hinaharang nito ang pagkapit ng adenosine sa utak, importante ang adenosine na kemikal para umayos ang tulog.

2. I-limit sa isang baso o 250 ml ng tubig lang ang inumin 30 minuto bago ka matulog dahil ang urinary bladder o pantog ay may average capacity lamang na 500 ml para maiwasan yung pabangon-bangon para umihi, dapat konti lang ang iniinom na tubig bago matulog,

3. Iwasan ang heavy meal bago matulog, heavy meal ay yung parang masusuka ka na sa sobrang busog, kung ipipilit mo kumain ng heavy meal bago matulog, kailangan mo mag antay ng 4 na oras bago humiga at matulog, maliban sa umiiwas tayo sa acid reflux, pag nag heavy meal ka kasi, tumataas ang metabollic rate, ibig sabihin tataas ang core body temperature mo, pag nangyari ito mabablock ang release ng melatonin (ang ating sleep hormone), ideally kasi kailangan mababa ang core body temperature para derederetso ang tulog. Kung ginawa mo naman lahat pero paputol-putol pa rin ang tulog mo, magpakonsulta ka na sa sleep specialist kasi baka may iba ka palang sakit.


Pinagmulan: @kilimanguru


Mungkahing Basahin: