Labanan sa Puray


Sa Bundok Puray sa bayan ng Montalban, nagtagumpay sa labanan ang mga Pilipinong rebolusyonaryo laban sa hukbong Espanyol gamit ang taktikang gerilya, 14 Mayo 1897.


Pinangunahan ni Heneral Licero Geronimo ang hanay ng mga Pilipino  katuwang ang pangkat ni Heneral Emilio Aguinaldo at iba pang pinunong rebolusyonaryo, habang pinamunuan nina Tenyente-Koronel Felipe Dujiols at komandante Miguel Primo de Rivera ang mga puwersang Espanyol.


Ang tagumpay na ito ay ang nagbigay ng sapat na panahon sa pangkat ni Aguinaldo upang makapaglakbay tungo sa Biak-na-Bato sa  San Miguel de Mayumo, Bulacan.


Pinagmulan: @nhcpofficial


Mungkahing Basahin: