pagod o fatigue

Pagod o Fatigue: Ano Kaya Dahilan

Payo ni Doc Willie Ong


Kung madalas makaranas ng para bang pagod palagi o sobrang pagkapagod, maaari makaramdam ng pag-aalala sa ganitong kondisyon. Ang pagod ay pwede ding sintomas ng ibang mga sakit na kailangan gamutin.


Karaniwang dahilan ng physical fatigue o pagod:

1. Hindi maayos na pagkain o wala sa oras ang kain.

2. Kulang sa tulog

3. Ang mga gamot tulad ng gamot sa kirot (pain relievers), gamot sa ubo, sipon, pang-allergy ay maaaring dahilan.

4. Dehydration o kakulangan sa tubig

5. Mainit na panahon


Ngunit ang pagod ay maaaring sintomas din ng ibang sakit tulad ng:

1. Anemia o mababang bilang ng red blood cell

2. Cancer

3. Low thyroid activity o mahina ang thyroid

4. Diabetes

5. Malalang impeksyon

6. Alcoholic

7. Sakit sa puso

8. Rheumatoid arthritis

9. Problema sa pagtulog tulad ng paghilik at sleep apnea

10. Electrolyte imbalance o pagiging mataas o mababa ang potassium at sodium sa dugo.


Kumonsulta sa inyong doktor para masuri maigi.


Pinagmulan: @docwillieong


Mungkahing Basahin: