Alamin Kung Stressed Ka

Alamin Kung Stressed Ka, Check Mo Ito

Payo ni Doc Willie Ong


Stress ang pinakamalaking problema natin ngayon. Nagdudulot ito ng sakit sa puso, ulcer at sakit sa katawan. Ngunit paano mo ba malalaman kung stressed ka na?

Simple lang. I-check mo itong 3 bagay:


1. Suriin ang pulso. Ang tamang pulse rate para sa matatanda ay sa pagitan ng 70 hanggang 80 na tibok bawat minuto. Kung ang pulse rate ay mas mataas sa 80 bawat minuto, ito ay posibleng ikaw ay may stress. Maglaan ng ilang sandali para bilangin ang iyong pulse at simulan tantyahin ang stress level. Para hanapin ang iyong pulso ipatong ang una at pangalawang daliri sa pulso na malapit sa wrist. At tignan ang iyong relo at magset ng timer sa 1 minuto at bilangan ang tibok nito.


2. Bilangin ang paghinga. Para sa matanda ang average na paghinga ay 12 hanggang 16 bawat minuto. Kung kayo ay humihinga ng mas higit pa sa 16 kada minuto, baka ikaw ay may stress. Mag set ng timer para sa 1 minuto at bilangin ay paghinga. Huminga lamang ng normal habang binibilang ang hininga.


3. Tingnan ang ibang senyales sa iyong katawan. Ang stress ay nagpapahiwatig ng iba pang sintomas sa ating katawan. Halimbawa, ang iyong tiyan ba ay nakararamdam na para bang buhol-buhol at maasim. Masakit ang iyong ulo. Nakaramdam ka ng paninigas sa iyong leeg at balikat.


Tips:


1. Huminga ng malalim at mabagal.

2. Mag-stretch at mag-lakad-lakad.

3. Matuto tumanggi kung hindi mo na kaya.

4. Kumausap ng positibong kaibigan.

5. Ayusin ang isipan. Baka maliit lang ang stress pero pinapalaki lang ng isipan mo.

6. Huwag idaan sa alak, sigarilyo at bisyo.

7. Makinig sa music at mag-pahinga.


Pinagmulan: @docwillieong


Mungkahing Basahin: