paraan para maiwasan ang varicose veins


3 Paraan para maiwasan ang varicose veins


1. Pag-uwi mo ng bahay, itaas mo ang binti mo habang nakahiga nang hindi bababa sa 30 minuto na hindi bababa sa dalawang unan ang taas upang yung naipong dugo sa binti ay pumunta sa puso.


2. Magsuot ng compression stockings pag alam mong buong araw kang nakatayo o nakaupo sa trabaho. Pag nasa iisang posisyon lang ang binti mo sa buong araw, maiipon ang dugo sa binti at pag nagcompression stockings ka makakatulong ito itulak ang dugo pataas. Kumunsulta sa iyong doktor upang malaman ang nararapat na sukat para sa iyo.


3. Mag-ehersisyo araw-araw kahit simpleng paglalakad lang ng hindi bababa sa 30 minuto upang mapabuti ang sirkulasyon ng dugo.


Pinagmulan: @kilimanguro