Tips para maiwasan ang labis na kain


Tips para maiwasan ang labis na kain sa panahon ng community quarantine.


Ang tamang dami ng kain ay nakadepende sa pangangailangan ng ating katawan upang mapanatili ang tamang timbang. Narito ang ilang tips upang maiwasan ang sobrang pagkain ngayong may community quarantine.


1. Magkaroon ng regular na oras ng pagkain at siguruhing  nasusunod ito sa buong araw.


2. Kung oras ng pagkain, iwasan ang panonood ng tv o paggamit ng cellphone o ng ibang gadgets.


3. Kung ikaw ay work from home, iwasan ang pagkain habang nagtatrabaho.


4. Maaaring kumain ng meryenda hangga’t ito ay kasama sa takdang dami ng meals sa isang araw.


5. Kumain ng mga masusustansyang pagkain gaya ng lamang-ugat, prutas, at mani.


6. Limitahan ang pagkonsumo ng maaalat, matatamis at mamantikang pagkain upang maiwasan ang mga sakit gaya ng diabetes, sakit sa puso at mga ugat, at ilang kanser.


7. Mag “Pause and Pass”. Kung hindi oras ng pagkain at nais kumain, mag-“pause” ng 10-15 na minuto at umisip ng ibang gawaing kapaki-pakinabang. Maaaring maglakad-lakad sa bahay, mag-unat, maglinis ng bahay, o iba pang gawain hanggang sa lumipas ang oras at ikaw ay mag-“pass’ sa pagkain.


Pinagmulan: @nncofficial


Mungkahing Basahin: