doh administrative order 2021-0039
 

DOH Administrative Order 2021-0039


Ano nga ba ang mga dapat malaman tungkol sa DOH Administrative Order 2021-0039?


Bakit ipagbabawal na ang pagbebenta ng mga pagkaing may trans fat pagsapit ng ng ika-19 ng Hunyo?


Ang trans fat ay isang uri ng fatty acid o taba na nakakapagpataas ng bad cholesterol sa katawan na maaaring maging sanhi ng iba't ibang sakit at komplikasyon tulad ng altapresyon, stroke at iba pang sakit sa puso.


Dahil dito ay inilabas ng Department of Health (DOH) ang Administrative Order 2021-0039 noong nakaraang Hunyo 2021 na nagbibigay sa mga food manufacturers ng dalawang taon upang tanggalin ang trans fat ingredients sa kanilang mga produkto.


Mawawala na ba sa merkado at mga pamilihan ang mga pagkaing may trans fat?


Hindi mawawala sa merkado at mga pamilihan ang mga pagkain na dating gumagamit ng trans fat. Ang mga ito ay papalitan lamang o irereformulate ng mga food manufacturers gamit ang ibang mas masustansyang alternatibo.


Paano masisilip kung talagang hindi na nagbebenta ang mga food manufacturers ng mga pagkaing may trans fat?


Ang mga produktong hindi susunod sa guideline na ito ay hindi mabibigyan ng certificate of product registration ng FDA. Ibig sabihin ay hindi na mapapayagan na ibenta sa merkado ang mga produktong ito at maaaring kompiskahin ng FDA ang mga produktong hindi rehistrado. Maaari rin silang mapatawan ng penalties or sanctions sa paglabag sa RA 10611 or Food Safety Act.


Pinagmulan: @PIA_RIII


Mungkahing Basahin: