Ano ang HPV

Ano ang HPV? | @PIA_RIII via Department of Health (@DOHgovph)


Maari bang maiwasan ang sakit na dulot ng Human Papilloma Virus (HPV)?


Pumunta sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar para sa karagdagang impormasyon.


Sa HPV Vaccine, Cervical Cancer-Free ang future natin! 


Ano ang a HPV?


Ang HPV o Human Papillomavirus ay isang uri ng virus na maaaring magdulot ng malulubhang sakit, tulad ng kanser sa kuwelyo ng matris o cervical cancer. Maaari rin itong magdulot ng mga kulogo sa ari ng babae at lalaki.


Maaari bang maiwasan ang mga sakit na dulot ng HPV? 


Ang mga sakit na dulot ng HVP ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng malusog na pamumuhay. Ang pagkain ng tama, regular na pag-eehersisyo at ang pagpapabakuna ang pangunahing panlaban sa sakit na ito.


Bakit mahalagang magpabakuna laban sa HPV? 


Maliban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pagbabakuna laban sa HPV, mas nasisiguro rin ng pagkakaroon ng malusog at matiwasay na paglaki ng mga bata. 


Ang HPV vaccine ay ibinibigay ng libre para sa mga batang babae, edad 9-14 taong gulang. Magtanong lamang sa inyong health center sa schedule ng pagbabakuna. 


Mungkahing Basahin: