Mga Kalamidad sa Maynila

Mga Kalamidad sa Maynila


Ang “kalamidad” ay isang hindi kanais-nais na kaganapan na nagdudulot ng kahirapan para sa maraming tao. Sa Maynila, ang mga kalamidad ay dulot ng mga lindol, sunog, gera, at bagyo. Ang lindol ay nagdulot ng pagbagsak ng mga batong gusali, ang apoy ay nagdulot ng sunog, ang bagyo ay nagdudulot ng mga baha, at ang gera ay nagtulak sa mga tao upang pumatay ng kapwa.


Madalas ang mga kalamidad sa Maynila. Dahil dito, ang mga tao ay naging relihiyoso. Maraming santo ang pinag-dadasalan sa Maynila. Ito ang dahilan kung bakit maraming lugar sa Maynila ang ipinangalan sa mga santo, katulad ng Baluarte de San Andres na pinangalan kay San Andres. Sa katunayan, mayroong higit pitong simbahan at kapilya sa loob ng Maynila! Ilan ang simbahan sa inyong lugar?


Mungkahing Basahin: