Mga dapat gawin kapag may nagkakahika

Mga dapat gawin kapag may nagkakahika


Manatiling kalmado sa lahat ng oras - Ang pagiging mahinahon ay makakatulong sa mga rumeresponde at sumusuri sa sitwasyon.


Alalayan ang pasyente na makaupo ng tuwid (upright position)

Ito ay makakatulong sa pasyente para kumportableng makahinga.

Luwagan rin ang anumang masikip na kasuotan ng pasyente.


Bigyan ng Tulong ang pasyente

Tulungan silang huminga ng marahan.

Alalayan sila sa pag-inom ng iniresetang gamot na mabilis na nakakapagpaginhawa tulad ng inhalers.

Gawing panatag ang kalooban ng pasyente.

Hangga't maaari, huwag silang iwanan hangga't hindi pa maayos ang kanilang pakiramdam.


Sa oras na lumala ang sintomas, humingi ng atensyong medikal - maari mor ring matulungang dalhin ang pasyente sa malapit na ospital o klinika.


Pinagmulan: PIA Eastern Visayas (@pia_ev)


Mungkahing Basahin: