Ano ang kahulugan ng Investment?
Ano ang kahulugan ng Investment? | Department of Finance (@dof_ph)
Alam mo ba? 75% ng mga Pilipino ay hindi nag i-invest ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas Financial Inclusion Survey (2019).
Pero ano nga ba ang investments?
Ang stocks at bonds ay dalawa sa pinakasikat na uri ng investments. Ang “stock” ay hati ng investor sa pagmamay-ari ng isang kumpanya, kaya kikita ang isang investor kung maganda ang paggawa ng kumpanyang kanyang pinag-investan.
Ang “bond” naman ay maituturing na pautang o loan ng investor sa isang kumpanya o gobyerno, kapalit ng pagbabayad ng interes na dagdag pa sa buong pagbabayad ng kapital na pinahiram.
Kumpara sa stocks, ang bonds ay itinuturing na mas mababa ang panganib na uri ng pamumuhunan (investment) dahil tuluy-tuloy ang daloy ng kita mula rito. Samantalang mas hindi mahuhulaan (unpredictable) ang kita mula sa stocks dahil sa iba’t ibang mga kadahilanan na nakakaapekto sa stockmarket.
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ano ang kahulugan ng Investment? "